| 
IRST time ngayong Undas na mararanasan ni John “Sweet” Lapus ang dumalaw sa puntod ng isang malapit sa kanya. Sweet's dad, noted scriptwriter (for action films) Jojo Lapuz, passed away in September.
Pina-cremate ang labi ng kanyang ama, kaya half of the ashes was given to Sweet; the other half to the other family of his father. He placed the ashes sa isang maganda at mamahaling jar at inilagak niya 'yun sa vault o space na kanyang binili sa Columbarium (or whatever they call it, ani Sweet) ng St. Peter Church sa Commonwealth Ave. , Quezon City .
“Ang kanyang vault is just two spaces away sa nilagakan naman ng ashes ni Direk Pablo Santiago [father nina Randy, Rowell, Junjun at Raymart]. Kaya, baka magkita kami roon nina Randy at ng kanyang mga kapatid, pati na rin ni Tita Celing [former actress Cielito Legaspi], kung dadalawin nila si Direk Pablo,” ani Sweet.
Sweet has always been open sa itinatago niyang hinanakit sa kanyang ama. Eleven years old siya nang iwanan sila ni Jojo. Kaya, nakita niya ang hirap at pagpupunyaging ginawa ng ina (na isang titser), mapag-aral lang siya at ang kanyang nakatatandang kapatid. Tapos ng Hotel and Restaurant Management si Sweet sa UST.
Nu'ng nakaraang taon lang sila nagkaroon ng sort of communication ng kanyang ama. Sa bagong religious community na kanyang sinalihan, pinasulat sila ng letter sa isang taong matagal na silang may hinanakit at gugustuhing patawarin na ito at batiin.
Ang kanyang ama ang sinulatan ni Sweet. And he really poured out in the letter all his hinanakit with Jojo. 'Di raw niya akalain na mapapasakamay ng kanyang ama ang naturang sulat. Only when Sweet got an answer from Jojo -- via a letter, too -- did he realize na ipinabasa pala 'yun ni Harlene Bautista (now the wife of Romnick Sarmenta), na siyang nag-sponsor sa kanya para mapabilang sa bagong community na kinabibilangan.
* * *
KAY Senator Bong Revilla at sa maybahay nitong si Lani Mercado nabalitaan ni Sweet ang pagpanaw ng kanyang ama.
Napag-alaman ni Sweet na earlier, bago binawian ng buhay, si Jojo ay pumunta sa opisina ni Sen. Bong, na nagpa-party sa kanyang staff, since malapit na nga noon ang kaarawan nito (Sept. 25).
“Tingnan mo nga kung hindi kamay ng Diyos ang nagdi-dictate kung anuman ang nangyayari sa ating buhay. A few days before my birthday,” kuwento ni Sweet, “nakita ko sina Sen. Bong at Lani. Hiningi nila sa akin ang aking cell phone number at gusto raw ni Sen. Bong na maging host ako sa isang bigger party na kanyang i-u-organize. 'Yun ang naging dahilan kung bakit natawagan kaagad ako ni Lani tungkol sa pagkamatay ng aking ama,” kuwento ni Sweet.
Saludo siya kay Sen. Bong sa ipinakita at ipinadamang pagmamalasakit sa kanyang ama. Sa loob ng limang araw na nakaburol sa Funeraria Paz si Jojo, si Sen. Bong ang sumagot ng lahat ng gastos. Pati na pagpapa-cremate nito.
Sabi ni Sweet, si Sen. Bong ay tunay ngang kaibigan ng kanyang ama.
* * *
CAREER-WISE, feeling ni Sweet, he's never having it so good.
When GMA 7 summoned him, he didn't know they were going to ask him to sign a contract. That particular time, ayon kay Sweet, wala siyang matatawag na permanenteng trabaho. Although 'di naman siya nawawalan ng raket, bukod sa mga guesting sa ilang show ng ABS-CBN.
GMA 7 made Sweet an additional cohost ng S-Files, giving him his own segment, Headline Ka John, where he is assigned to do commentaries on showbiz news.
Simula sa Lunes, Sweet will be seen as a villain in Captain Barbell. In him, first time daw na makakapanood ng isang villain na gay on Philippine TV.
Every Monday, too, may regular gig si Sweet sa Klownz on Quezon Ave., QC.
But what he is most happy about, ani Sweet, is GMA 7's assurance that they will not mind kung gugustuhin niya na ang Star Magic ng ABS-CBN pa rin ang mag-manage sa kanya. - - |