| 
reakout year ang 2006 para sa young actor na si Carlo Aquino. Ito ang paniwala ng mga tagasubaybay ng kanyang umuusbong na career, lalo na ang kanyang home studio Viva Artists Agency (VAA) helmed by Veronique del Rosario-Corpus.
Ang inaani niyang critical at commercial success ngayong 2006 ay nagpapatunay lang na nakawala na si Carlo sa “child star/teen star” mold na kinalalagyan niya ... until recently.
Dala-wang acting awards ang nagpapatunay ng kanyang critical acclaim - Best Actor trophy mula sa Golden Screen Awards para sa indie film na Pagkagising Mula sa Kamulatan at isa pang Best Actor award mula sa Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television para sa Scapular episode ng Maalaala Mo Kaya. Ang Pagkagising Mula sa Kamulatan ay psychological study ng isang troubled young man na ginampanan ni Carlo. Sa Scapular naman, si Carlo ang bunso sa tatlong magkakapatid na biktima ng illegal recruiter.
Hinangaan ng televie-wers si Carlo bilang Oman sa Bituing Walang Ningning. Sa mga di nakakaalam, minor character lang si Oman at wala ito sa original na story pero sadyang napakaganda ng pagkakaganap ni Carlo sa role kaya lumawak ang kanyang exposure by audience demand.
Ngayon pa lamang, ay pinag-uusapan na ang susunod na project ni Carlo with Sarah Geronimo dahil namalas ng madla ang galing ng team-up nilang dalawa sa Bituing Walang Ningning.
Sa ngayo'y dapat nag-umpisa na ang airing ng bagong afternoon soap ni Carlo, ang family dramang Makita Ka Lang Muli para sa TAPE. Co-stars ni Carlo sina Celia Rodriguez, Andrea del Rosario at Roderick Paulate.
Bukod pa riyan, may plano ang Viva na i-full blast ang musical career ni Carlo next year. Soon mag-uumpisa nang mag-record ng kanilang debut album ang pop-alternative band ni Carlo.
Di makapaniwala si Carlo sa mga blessings na dumarating sa kanyang buhay ngayon. Ang 2006 nga raw para sa kanya'y isang “good but crazy year.”
“The feeling is so overwhelming. Hindi ma-explain ng salita. I've really been very blessed this year,” aniya.
* * *
ISA pang wish namin, for one of ABS Star Magic new talent Dino Imperial na malayo ang marating niya.
Bumabaw na naman ang kaligayahan namin nang bumisita kami sa pictorial ng pinakabagong show ng ABS-CBN na papalit sa Star Magic Presents end of this month na ang unang bumati sa amin by name ay ang aming katukayo na si Dino nga. He is part of this yet untitled show to be directed by direk Erick Salud, our long time text mate na konti lang ang nakakaalam. Kami admittedly halos nakalimutan na namin ang pangalan niya pero siya hindi, kasi nga raw tukayo.
Dahil kahihiyan na, kami na ang nagtanong kung kailan kami last nagkita. Sinagot niya rin, sa birthday presscon daw niya along with the other ABS talents for the month of April pa.
For a new star to remember a name of a press that long says a lot about his dedication in his career, not just of his manners, ha na by the way he has plenty, being a Reedley International School graduate and currently studying sa College of Saint Benilde.
It means hindi siya kumakalimot sa mga nakausap niyang press and believe us sandamakmak ang artista ngayon na babatiin ka lang for the sake of plastikan and couldn't even remember our names.
Dino is among that rare breed of stars who remember at sana alam niya na ang mga katulad niya ang minamahal naming mga manunulat even for such a little deed dahil it means a lot to us.
Baka maki-push pa nga kami sa love team nila ni Empress Schuck once the show starts.
- -
|